-- Advertisements --
Napanatili ng NLEX Roadwarriors ang tuloy-tuloy na panalo nila matapos na pataubin ang Meralco Bolts 99-96 sa 48 PBA Philippine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng NLEX si Robert Bolick na nagtala ng 26 points, walong rebounds at apat na assists habang mayroong 12 points at anim na rebounds si Enoch Valdez.
Ayon kay NLEX coach Frankie Lim na lahat ng kaniyang mga manlalaro ay may kaniya-kaniyang ambag para sa panalo nila.
Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Chris Newsome habang mayroong 12 points si Allein Maliksi para sa Bolts.