-- Advertisements --

Kinumpirma ng NLEX Roadmasters ang pagtalaga nila kay datig Barangay Ginebra coach na si Frankie Lim bilang bago nilang head coach.

Ang dating NCAA coach ay siyang papalit sa tinanggal na NLEX coach na si Yeng Guiao na bumalik bilang coach ng Rain or Shine Elasto Painters.

Sinabi ni Lim na nais niyang mgkaroong malakas at competitive ang nasabing koponan.

Isa aniyang pagbabalik sa PBA coaching si Lim matapos na maging head coach ng Ginebra noong 2015.

Kabilang si Lim na naging susi ng San Beda para makuha ang apat na NCAA championship noong 2007, 2008, 2010 at 2011.