-- Advertisements --
Nakuha ng NLEX Road Warriors ang dalawang sunod na panalo sa nagpapatuloy na PBA Commisioner’s Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Blackwater Bossing 105-102.
Nanguna sa panalo ng NLEX ang kanliang import na si Earl Clark na nagtala ng 38 points at 25 rebounds.
Nagdagdag naman ng 18 points si Don Trollano habang mayroong 16 points si Kevin Alas.
Mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang NLEX habang mayroong isang panalo at dalawang talo na ang Blackwater Bossing.