-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinuldukan na ng tuluyan ng Philippine Inter-agency Committee on Zoonoses (PhilCZ) ang haka-haka na umano’y napasukan ng panibagong strain ng Nipah virus ang ilang bahagi ng bansa.

Paglilinaw ito na ginawa ng komitiba bilang gabay sa publiko lalo pa’t natawag ang atensyon ng Department of Health (DoH) central office patungkol sa pagkakasakit ng maraming mga mag-aaral at mga guro sa apat na private elementary at high schools dahil tinamaan umano ng bayrus mismo sa Cagayan de Oro.

Sa pagharap ni City Health Office head Dra Rachel Dilia sa local media,ipinarating nito ang official statement ng PhilCZ kaugnay sa pangyayari para tuluyan nang mapigil ang nabanggit na usapin.

Sinabi ni Dilia na bagamat may ilang virus outbreaks noon sa bansang Malaysia,Singapore at India subalit hindi ito nakapasok sa Pilipinas para magdulot ng health issues sa taong-bayan.

Magugunitang ang nasabing uri ng bayrus ay nagmula sa fruit bats na mayroong 75 percent mortality rate kapag tatamaan ng husto ang kalusugan ng mga tao.