-- Advertisements --
naia

Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng mga pasaherong bumyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nagdaang Undas ang Manila
International Airport Authority (MIAA) kumpara noong nakaraang taon.

Ito ay sa kabila ng ilang kanselasyon sa mga flight sa nasabing paliparan dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa ilang bahagi ng ating bansa.

Sa datos, pumalo sa 554,852 ang bilang ng mga pasaherong bumyahe sa NAIA mula October 28 hanggang November 2, 2022.

Mas mataas ito ng mahigit 300% mula sa 154,631 na bilang ng mga pasaherng naitala noong taong 2021.

Sa domestic flights, nakapagtala ng 322,668 biyahe ang naturang paliparan na mas mataas kumpara sa 110,939 na bilang na naitala noong nakaraang taong.

Habang umabot naman sa 332,184 ang bilang ng mga international flights ngayon na mas mataas sa 43,692 na naitala noong nakaraang taon.

Paliwanag ng Manila International Airport Authority, ang pagtaas sa bilang ng mga pasahero sa nagdaang long weekend ay dahil sa naging pagluluwag sa border restrictions sa ibang bansa at sa muling pagbubukas ng mga sementeryo sa probinsya.

Sa ngayon, ang muling pagdagsa ng mga pasahero sa papalapit na holiday season ang pinaghahandaan naman ng pamunuan ng naturang paliparan.