-- Advertisements --
naia

Balik sa normal na operasyon na muli ang Ninoy Aquino Intermational Airport (NAIA) ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito ay matapos na pansamantalang makansela ang lahat ng kanilang nang dahil sa pananalasa ni Bagyong Karding bansa.

Pag-amin ng pamunuan ng naturang paliparan, sa ngayon ay may ilang flights ang nananatiling delayed nang dahil domino effect ng flight cancellations nang dahil sa nasabing bagyo.

Ngunit iniulat naman ni MIAA general manager Cesar Chiong na wala silang naitalang sinumang nasaktan at napinsalang mga indibidwal at ari-arian, at wala rin naman aniya silang naitalang power at water interruption sa nasabing lugar na dulot ni Bagyong Karding.

Nagsagawa na rin aniya sila ng clearing operations sa airside at landside ng paliparan at inatasan na rin ang mga tauhan nito na linisin at walisin ang mga dahon at iba pa na nakakalat sa landside pavement.

Bukod dito ay sinuri na rin ng mga kinauukulan ang mga runway at taxiway para sa anumang mga debris na maaaring makapinsala sa mga aircraft o magdulot naman ng iba pang serious safety concerns.

Sa datos, umabot sa 61 flights ang nakansela habang nasa 166 naman ang na-delay noong Linggo, at nasa 41 mga flight naman ang nakansela noong Lunes sa kasagsagan nang pananalasa ng Bagyong Karding.

Binigyan naman ng “malasakit kits” na may lamang light snaks, bottled water, at sanitizers ang mga pasahero ng paliparan na nagpasyang manatili muna sa loob ng mga terminal habang naghihintay na muling manumbalik ito sa normal na operasyon.