Itinurn-over na ng Senado ang dalawang “ninja cops” sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Senator Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, chairman ng Senate Public Order and Dangerous Drugs na pinayagan nito ang pagpapalaya mula sa Senado ng dalawang pulis para sa mas mabilis na resolusyon ng mga kaso na isinampa laban sa mga ito.
Kung matatandaan na una ng ikinonsidera ang dalawang pulis na sina Senior Master Sgt. Jerwin Rebosora at Police Master Sgt. Lawrence Catarata bilang mga bayani matapos makumpiska ang nasa 996 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 billion sa Tondo, Maynila noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Ang dalawa sana ang ilan sa resource person sa pagkaaresto kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. na umano’y nakuhanan ng nasabing iligal na droga , ilang ID cards, sports utility vehicle at isang service firearm.
Subalit sa nakalap na video footage lumalaas na ang shabu na nasabat mula kay PMSg. Mayo ay ipinuslit ng dalawang police officer.
Giit naman ng dalawang police officer na naframed-up lamang sila.
Subalit ayon kay Senador Bato na ipianpaubaya na ang kaso ng dalawang pulis na resolbahin ng PNP Special Investigation Task Group (SITG) at iginiit na dapat makasuhan ang nagkasala sa batas.