-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro sa 2023 FIBA World Cup si NBA finals Most Valuable Player Nikola Jokic.

Unang nakumbinsi nina Serbian head coach Svetislav Pesic at teammate nito na si Bogdan Bogdanovic na maglaro sa Serbia subalit mas pinili niyang magpahinga muna.

Sinabi ni Jokic na nais niyang magpahinga muna sa paglalaro matapos ang nakakapagod na makasaysayang pagkuha ng Denver Nuggets ng kauna-unahang NBA Finals championship.

Magugunitang naging bahagi si Jokic ng Serbian basketball team noong 2019 FIBA World Cup kung saan mayroon silang record na anim na panalo at dalawang talo at nakuha nila ang pang-limang puwesto.