-- Advertisements --

Nagdeklara si Nigerian President Bola Tinubu ng state of emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo at kakulangan ng mga pagkain.

Ang nasabing hakbang ay para matugunan ng kaniyang gobyerno kung paano masulusyunan ang nasabing mga problema.

Ilan sa mga dito ay ang pagtanggal na ng fuel subsidy kung saan ang pera para sa nasabing programa ay ilalaan na lamang sa pagbili ng mga ferltizers at palay ng mga magsasaka.

Bibigyan din aniya ng gobyerno ng proteksiyon ang mga magsasaka dahil marami sa mga dito ang nilalayasan ang kanilang sakahan matapos na atakihin sila ng mga kidnap for ransom group sa lugar.