DAGUPAN CITY – Kulong ang isang Nigerian national matapos saksakin ang kapwa niya Nigerian saVillasis, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Emmanuel Ogbu, habang ang biktima na kanyang boardmate at kapwa Nigerian ay kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkababayan hinggil sa hatian sa mga bayarin sa mga gastos sa bahay, pagluluto at renta ng apartment.

Nabatid na ikinagalit ng suspek ang biglaang paglipat ng biktima sa ibang apartment at hindi nito pagbabayad sa mga iiwanang bayarin.

Kuwento pa ng suspek, una siyang sinakal ng biktima kaya kinuha nya ang kutsilyo para depensahan ang sarili.