Arestado ang isang Nigerian national matapos ang tangka nitong magpapalit ng pekeng pera.

Mula sa Angeles City, Pampanga ang 49-anyos na naarestong suspek.

Hinuli ang dayuhan nang tinangka niyang ipapalit ang pekeng US dollar na pera sa isang pawnshop sa Alabang-Zapote Road.

Agad na tumawag ng kapulisan ang teller na mabilis namang inaresto ang suspek.