-- Advertisements --

Tinalo ng Nigerian mens basketball team ang Team USA 90-87 sa pre-Olympic basketball friendly sa Las Vegas.

Mayroong anim na NBA players ang Nigeria at NBA coach na si Mike Brown.

Sila lamang ang unang African nation na nakatalo sa USA na naglaro sa una sa lima nilang tune-up games bago ang Tokyo Olympics.

Pinangunahan ni Gabe Vincent ang Nigeria na nagtala ng 21 points.

Nanguna sa team USA si Kevin Durant na nagtala ng 17 points.