-- Advertisements --
Idineklara ni General Abdourahmane Tchiani ang kaniyang sarili bilang bagong lider na ng Niger.
Isinagawa nito ang deklarasyon matapos ang ma-dramang kudeta nitong Miyerkules.
Nasa kustodiya pa rin ng kaniyang mga guwardiya ang pinatalsik na lider na si President Mohamed Bazoum na unang nahalal na lider mula ng maging independent ang Niger sa taong 1960.
Itinuturing si Bazoum na kaalyado ng mga bansa sa paglaban nila kontra sa mga Islamist State Militants.
Nauna ng kinondina ng maraming bansa ang nasabing kudeta at sila ay nanawagan na dapat maibalik ang konstitusyon.