-- Advertisements --

Napili si Filipino boxer Donnie Nietes ng World Boxing Organization (WBO) bilang maging mandatory challenger kay WBO world super flyweight champion Kazuto Ioka.

Una na kasing nakaharap ng 39-anyos na si Nietes ang Japanese boxer noong 2018 k ung saan doon niya nakuha ang WBO world super flyweight title at ito ay kaniyang binakante dahil sa tatlong taon na hindi pakikipaglaban.

Ayon sa WBO na binigyan nila ng ang dalawang kampo ng 30 araw para maisapinal ang kontrata ng laban.

Naglaan din ang WBO ng minimum bid na $100,000 o katumbas ng P5.1 milyon .