Kinumpirma ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Retired Gen. Alex Paul Monteagudo na may natatanggap silang impormasyon na may mga kandidato na nagbabayad ng permit to campaign at permit to win fees sa New Peoples Army (NPA).
Kayat nangangalap na sila ngayon ng ebidensiya laban sa mga nasabing pulitiko.
Nagbabala ang NICA at PNP CIDG na hahabulin at sasampahan nila ng kaso ang mga nasabing kandidato na patuloy na nagbabayad nsa CPP-NPA.
Ayon kay Monteagudo, mayruong anti-terrorism law na magpaparusa sa mga kandidatong nagsisilbing financier ng CPP-NPA.
Sinabi pa ni Monteagudo na ang NICA at mga regional offices nito sa buong bansa ay nag co-consilidate na ng mga ebidensiya para sampahan ng kasong paglabag sa anti-terrorism law at financing cases hindi lamang ang mga front organization kundi pati ang mga pinaghihinalaang indibidwal o mga kandidato na nagbibigay ng pera sa komunistang grupo.
Binigyang-diin ni Monteagudo na base sa Anti terrorism Act itinuturing na pagsuporta sa gawaing terorismo kung magbibigay ng pera sa CPP NPA NDF.
Batay sa nakuhang impormasyon ng NICA sa mga naka lipas na halalan nasa P2 million ang hinihinging permit to campaign at permit to win fees ng NPA mga governor habang P1 million sa mga tumatakbong mayor.
Nagbabala naman si CIDG Director MGen. Albert Ignatius Ferro sa mga kandidatong sumusuporta sa NPA.
Ayon kay Ferro kapag nagbayad ng permit to campaign at permit to win may kaukulang penalty ito ay reclusion temporal to reclusion perpetua at may penalty na P500,000.00 hanggang P1 million.