Pumirma ng isang partnership agreement ang National Irrigation Administration(NIA) kasama ang isang pribadong kumpanya mula Korea, para sa pagpapabuti sa irrigation system sa Pilipinas.
Personal na pumirma si NIA Acting Administrator Eddie Guillen, kasama ang Chief Executive Officer ng nasabing Korean Company sa Memorandum of Understanding na may layuning mapagbuti ang kalagayan ng irigasyon sa Pilipinas, food security, disaster prevention, at maging ang pagtugon sa climate change.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magkakaroon ng isang Joint Steering Committee (JSC) na siyang mangangasiwa sa mga itatayong proyekto.
Ang nasabing komite ay bubuuin ng dalawang co-chair mula sa NIA at sa Korean company. Magkakaroon din ng apat na iba pang miyembro, at tig-isang secretary mula sa dalawang partido.
Pangunahing layunin ng nasabing agreement ay ang paglinang sa mga water resources ng bansa, pag-aayos sa mga irrigation and draining facilities at iba pang inisyatiba, sa ilalim ng pagpopondo ng mga multilateral banks at mga loan at grants mula sa South Korea.
Sa ilalim din nito, magkakaroon ng regular na pagbisita sa pagitan ng dalawang panig, education and training program, seminar, workshop, at iba pang mga kahalintulad na aktibidad, kasama na ang exploration o paggalugad sa iba pang aspeto ng nasabing kooperasyon.
Nagpasalamat naman si NIA Chief Eddie Guillen sa panibagong partnership na ito sa South Korea.
Matagal na aniyang kaibigan at kasanga ng Pilipinas ang nasabing bansa sa mga socioeconomic development projects nito. Sa katunayan, ayon kay Gullen, sa loob ng mahigit pitong dekada na samahan, ilang mga NIA projects na ang napondohan sa ilaim ng South Korean Government.