Nagpahayag ng suporta ang National Irrigation Administration sa Masagana Rice Industry Development Program ng Administrasyong Marcos.
Ang nasabing programa ay may layuning maabot ang target na rice self sufficiency sa bansa.
Pangako ni NIA Acting Administrator ENgr. Eddie Guillen, gagawin ng ahensiya ang makakaya upang makapaghatid ng sapat na tubig sa mga magsasaka, para masuportahan sila sa kanilang pagtatanim ng palay.
Tiniyak din ng opisyal na lalo pang papalawakin ng NIA ang pagtaguyod sa infrastructure project nito sa buong bansa upang mapataas pa ang bilang ng mga magsasakang maabot ng kanilang serbisyo.
Maalalang kamakailan ay pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang isinagawang Convergence Meeting sa tanggapan ng NIA kung saan binigyang diin nito ang pag-prayoridad na mapalago ang produksyon ng palay sa bansa.