-- Advertisements --
image 337

CAUAYAN CITY – Dinagdagan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ang binuksang gate sa Magat Dam sa Ramon, Isabela.

Mula sa isang spillway gate na may taas na 1 meter ay ginawa na kaninang hapon ng Oktober 29, 2022 na dalawang spillway gate at may taas na 4 meters.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engineer Michael Gileau Dimoloy, department manager ng NIA-MARIIS na dinagdagan nila ang mga binuksang gate ng dam dahil mas malaki na ang volume ng tubig na pumapasok mula sa mga watershed areas sa Nueva Vizcaya, Ifugao at Quirino.

Ang water elevation ng Magat Dam hanggang alas singko ng hapon ng October 29, 2022 ay 187.86 meters habang ang inflow ay 2,015 cubic meters per second (cms) at ang outflow ay 455 cms.

Sinabi ni Engineer Dimoloy na ang kanilang hakbang ay bilang paghahanda sa posibleng mas malaking volume ng tubig na papasok sa dam lalo pa’t isa na na namang bagyo ang pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).