-- Advertisements --
Screen Shot 2021 12 04 at 11 2021 12 04 23 41 42

Kinoronahang Miss Grand International 2021 si Nguyen Thuc Thuy Tien ng bansang Vietnam.

Ang event ay ginanap kagabi sa Thailand.

Bago itanggal na na Miss Grand International ay nagkaroon muna sila ng tie-breaker question ni Miss Grand Ecuador.

Itinanghal naman bilang first runner up si Miss Grand Ecuador, second runner up ang Brazil, third runner up ang Puerto Rico at fourth runner up ang South Africa.

Napanalunan naman ni Miss Grand Thailand ang evening gown, habang si Miss Malaysia, Miss Grand Peru at Miss Grand Angola ang nakasungkit sa national costume at Miss Grand Puerto Rico ang nakakuha sa swimsuit at Miss Cambodia ang nakakuha ng popular vote award.

Ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio ay bigong makapasok sa Top 20 kasama ang 30 iba pang kandidato sa finals night ng Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Bago ito natanggal sa patimpalak ay pasok pa ito sa Top 10 best in national costume at Top 5 sa best in swimsuit sa pamamagitan ng popular vote.

Si Panlilio ay kabilang sa 10 candidates na mayroong pinakamataas na boto para sa Best National Costume round.

Kung maalala si Samantha ay kinoronahang Binibining Pilipinas Grand International noong buwan ng Hulyo.

Kung nanalo si Samantha, siya sana ang kauna-unahang Pinay na mag-uuwi ng Miss Grand International crown.