LEGAZPI CITY- Malaki ang pasasalamat ng isang Non-Government Organization sa Albay matapos paabutan ng gamot ng Bombo Radyo Legazpi.
Ayon kay Sister Mellet Agular ng Sacred Heart of Jesus, malaking tulong umano ang naturang mga gamot lalo na sa panahon ngayon na nahaharap ang bansa sa coronavirus pandemic at marami ang nagkakasakit.
Nabatid na ipapamahagi ang naturang mga gamot sa mga naulilang mga bata na kasalukuyang inaaalagaan ng mga kasamahang madre.
Ang naturang NGO ay kilala sa pagtulong sa mga bata sa lalawigan sa kanilang pag-aaral at iba pang pangangailangan.
Hangad naman ni Sister Agular na marami pa ang matulungan ng Bombo Radyo Philippines sa buong bansa sa patuloy na paghahatid nito ng serbisyo-publiko.
Nanawagan naman ito sa publiko na huwag mawawalan ng pag-asa ngayong pandemya at patuloy na manalig sa Panginoon dahil makakayanang malagpasan ang lahat ng hamon sa pamamagitan ng pananampalataya.
Kuwento pa ni Agular na minsan nang isinailalim sa lockdown ang naturang pasilidad matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga kasamahang madre subalit nagawang malagpasan ang naturang pagsubok.