Tinapos na ng National Grid Corporation of the Philippines ang Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV) line project sa Bataan matapos na ipag-utos ng Korte Suprema na ihinto ito sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary Restraining Order o TRO.
Kung maaalala, naglabas ng kautusan ng Korte Suprema kontra sa sa expropriation at konstruksyon sa isang bahagi ng Hermosa-San Jose 500kV Line na pagmamay-ari ng PHirst Park Homes, Inc.
Sa isang pahayag, sinabi ng NGCP na kaagad nilang ipinatigil ang mga ginagawang aktibidad sa Towers 170-178 ng linya matapos nilang matanggap ang desisyon ng SC.
Kung maaalala, na – energize na ang Hermosa-San Jose line noong nakaraang tao.
Ito ay nakapag accomodate ng power generation mula sa lalawigan ng Bataan.
Makakaapekto naman ang TRO na inilabas ng korte sa natitirang mga gawain para sa ganap na pagkumpleto nito.
Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang NGCP sa PHirst Park Homes, Inc. para maresolba ang naturang isyu.