Pinasigla ng operator ng power transmission grid National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Hermosa-San Jose 500-kilovolt (kv) transmission line na isang napakalaking proyekto ng enerhiya na may pambansang kahalagahan lalo na para sa Luzon transmission backbone.
Sumasaklaw sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, at Bataan na kung saan palalakasin ng proyekto ang mga serbisyo sa paghahatid at tanggapin ang bagong bulk power generation mula sa lugar ng Bataan.
Sa kabila ng maraming hamon, ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay ginagawa ang lahat upang makumpleto ang pasilidad na nabanggit.
Ayon kay Henry Sy Jr., major stockholder at dating presidente at CEO ng NGCP, kasabay ng pagpapasigla ng linya ay ang pinabuting transmission mula sa generation sources patungo sa load center Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Bukod sa bagong transmission line mula Bulacan hanggang Bataan, kabilang sa proyekto ang pagtatayo ng bagong Hermosa 500kilovolt substation, na magbibigay-daan sa mas mahusay na regulasyon ng boltahe at paglipat ng kuryente mula sa mga kasalukuyang pasilidad na 230kilovolt.