-- Advertisements --

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow warning ang Luzon power grid matapos ang forced oitage ng naa limang planta.

Inilagay sa yellow alaert ang Luzon grid kung saan ang reserba ng suplay ng kuryente ay mababa sa ideal levels mula ala-una hanggang alas-3 ng hapon.

Ang operating requirement ng Luzon grid ay nasa 11,456 MW habang ang available capacity nito ay 12,451 MW.

Ayon sa NGCP nagkaroon ng forced outage sa mga planta ng SLPGC 1 (150MW), SLPGC 3&4 (50MW) GMEC 1 (316MW), GMEC 2 (316MW) at Calaca 2 (300MW).

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang yellow alert sa Luzon grid ay posible dahil sa patuloy na unavailability ng ilang Bataan power facilities at outage sa ilang generation facilities sa south Luzon.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Mario Marasigan, director ng DOE’s Energy Power Industry Management Bureau na mayroong sapat na supaly sa Luzon grid at walang inaasahang power interruption sa kasalukuyan.