-- Advertisements --

Nakatakdang iapela ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ipinataw na multa sa kanila ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil umano sa paglabag sa panuntunan ng pagtatag ng reserve power ot ancillary services.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya, maghahain sila ng mosyon sa loob ng 15-araw.

Nabigyan kasi ang NGCP ang nag-iisang operator ng Synergy Grid and Development Philippines na maghain ng motion sa loob ng 15 araw matapos na matanggap ang kautusan ng ERC.

Magugunitang sa inilabas na 20-pahinang desisyon ng ERC ay pinapatawan nila ng P5.1-milyon na multa ang NGCP dahil sa paglabag sa Department of Energy (DOE) circular on contracting ancillary services.