LEGAZPI CITY — Patuloy ang ginagawang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa nalalapit na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NGCP Regional Corporate Communications and Public Affairs officer Nilda Somera, sinabi nitong noong mga nakaraang buwan pa nila sinimulan ang kanilang maintenance, road clearing, fast growing vegetation operation.
Lumikha rin daw sila ng quick response team na kinabibilangan ng transmission line personnel at maintenance testing division.
Ang mga ito ang siyang magbibigay aniya ng tulong sakaling may mangyaring abnormality sa supply ng kuryente sa araw ng eleksyon.
Mayroon naman umanong suporta sa distribution utility kung kailangan ang technical services.
Samantala, nag-abiso naman ang opisyal sa publiko na maging matalino sa pagboto ng mga iluluklok sa pwesto.