-- Advertisements --

Nasa kritikal na kalagayan ang American football star na si Damar Hamlim matapos ma-cardiac arrest.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng laro sa US Naitonal Football League.

Bigla na lamang natumba ang 24-anyos na Buffalo Bills player na bumangga sa manlalaro ng katunggaling koponan na Cincinnati Bengals.

Nabigyan agad siya on-field medical attention ng mahigit 30 minuto bago dalhin sa pagamutan.

Dahil sa pangyayari ay pansamantalang sinuspendi ng NFL ang laro sa isang gabi matapos ang insidente.

Nagpaabot naman ng pagdarasal para sa agarang paggaling ng ilang manlalaro ng iba’t-ibang koponan ng NFL.