-- Advertisements --

Inumpisahan na ang National Food Authority (NFA) ang prepositioning ng rice stocks sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsisimula na ng lean months at kahandaan na rin sa mga kalamidad.

Sa nasabing hakbang ay matitiyak na mayroong sapat na buffer stocks ng bigas ang bansa sa panahon ng kalamidad at emergency.

Ginagawa dito ang paglipat ng NHA ng mga stocks mula sa surplus rice production areas gaya ng region 1-4 sa Luzon, Region 6 sa Visayas at Region 12 sa Mindanao patungo sa ibang lalawigan at strategic warehouses ng NFA.

Pinapabilisan naman ni NFA Administrator Roderico Bioco sa kaniyang mga regional manager ang nasabing aktibidad.