Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na patuloy pa rin ang National Food Authority sa pagbili ng mga Palay sa mga magsasaka sa bansa.
Ngayong buwan kasi ay simula na ng anihan ng Palay.
Sa isang pahayag, sinabi ni kay DA Spokesperson Asec. Arnel De Mesa, ito ay bilang pagtalima pa rin sa kautusan ng Agri Sec Francisco Tiu Laurel.
Kung maaalala, ipinag-utos rin ng kalihim ang pagtatalaga ng bagong OIC ng NFA ng sa gayon ay hindi maalantala ang operasyon nito.
Naglaan na rin aniya ang NFA ng aabot sa P17 bilyon na pondo na siyang gagamitin sa pagbili ng Palay sa mga magsasaka sa bansa.
Batay sa datos, aabot sa P19.00 -P23.00 ang buying price ng NFA ng palay sa mga magsasaka.
Sinisiguro rin aniya ng NFA na hindi kakapusin ang kanilang buffer stock ng palay.
Ito kasi ang ginagamit ng ahensya tuwing may kalamidad na tumatama sa bansa.