-- Advertisements --
image 384

Dumipensa ang National Food Authority na on-track pa rin sa target nitong bulto ng palay na mabili mula sa mga lokal na magsasaka.

Una kasing kinuwestyon ni Senator Imee Marcos ang umanoy mabbang porsyento ng budget nito na nagamit para sa pagbili ng palay. Ayon sa Senador, 30% lamang sa pondo ng naturang opisina ang nagamit sa procurement, habang maari sanang ilaan ang mas malaki nitong pondo para makabili ng mas mataas na bulto ng palay mula sa mga magsasaka.

Pero ayon sa NFA, hindi ito nagkulang para gampanan ang mandato nitong bumili ng palay mula sa mga magsasaka, habang tiyak ding maabot ang target procurement sa kasalukuyang taon.

Katwiran ng ahensiya, lagi itong bukas para sa mga local farmers na nagnanais magbenta ng kanilang inaning palay sa merkado.

Gayonpaman, malaki umanong hamon ang kakulangan ng mga drying facilities para sa mga kaaaning palay na kanilang mabibili.

Habang ang mga traders ay nagagawang makabili ng kaaaning palay o wet palay, lalo na sa wet cropping season, dahil may mga magagamit silang sariling pasilidad.

Ngayong 2023, may P9billion na pondo ang NFA.

Pero paliwanag ng ahensiya, kalimitang pinapayagan lamang lumabas ang pondo nito kapag 3rd quarter, kayat limitado lamang ang maaari nilang magawa sa unang bahagi ng taon.

Ayon sa NFA, taon-taon ay nagagawa nitong mabili ang kabuuang target nito na bulto ng palay, maliban lamang nitong 2022 na umabot sa 20% sa kabuuang target procurement ang hindi nito nakuha.