-- Advertisements --

Nagkulang ang National Food Authority (NFA) na maabot ang bilang ng palay na binili noong buwan ng Pebrero.

Ayon sa NFA na mayroong 12,378 bags ng palay ang kanilang nabili o katumbas ng 618.9 metric tons.

Katumbas ito ng 2.28 percent ng grains target ng ahensya na 542,800 bags o 271,140 metric tons ng palay.

Paliwanag pa ng NFA na kaya nagkulang ang kanilang nabiling palay ay dahil sa bumaba ang pag-ani nito.

Ang nabili lamang nila ay siyang tira noong nakaraang cropping season.

Pagtitiyak naman nila na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mabigyan ng tulong ang mga magsasaka.