-- Advertisements --
Untitled 9

Itinutulak ng Natioanal Food Authority(NFA) ang modernisasyon at digitalisasyon sa mga pasilidad nito, upang mapalaki pa ang storage capacity nito.

Sa kasalukuyan kasi, ang drying capacity ng NFA ay aabot lamang ng hanggang 3% kayat patuloy na naghahanap ang ahensiya ng kaparaanan upang mapalaki pa ito,

Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, kinakailangan na rin nilang isailalim sa retrofiting ang mga pasilidad na kasalukuyan nilang ginagamit at mag-invest sa mga modernong mechanical dryers, kasama na ang mga makabagong silo.

Sa katunayan aniya, mula 2023 hanggang 2024, nakahanay ang pagpapagawa ng mga malalaking drying facilities na nakatakdang ipatayo sa anim na ibat ibang lokasyon.

Ang mga ito ay may kabuuang P1.1 billion na pondo.

Ayon sa NFA Chief, kailangan ng pamahalan na mag-invest ng P16 billion hanggang P20 billion kada taon upang maabot nito ang target na dami ng mga storage facilities sa susunod na apat hanggang limang taon.

Tiniyak naman ni Bioco na magpapatuloy ang ginagawa ng ahensiya na pag-aayos sa lahat ng pasilidad nito kasabay ng tuloy-tuloy na pagbili ng palay mula sa mga magsasaka ng bansa.