-- Advertisements --

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na hindi nagbabago ang kanilang operasyon kahit na may kinakaharap silang anumalya.

May kaugnayan ito sa pagkakasuspendi ng mahigit 100 tauhan ng NFA dahil sa iregularidad ng pagbili ng 75,000 na bags ng bigas.

Sinabi ni NFA officer-in-charge Piolito Santos na hindi magbabago ang kanilang mandato sa pagititiyak na mayroong buffer stock ng bigas ang bansa.

Target nilang makabili ng nasa 475,000 metric tons ng mga bigas ngayong buwan hanggang sa Mayo.

Mahigpit aniya ang ugnayan nito sa NFA Council and Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. para sa iba’t-ibang mga programa ng ahensiya.