-- Advertisements --

Hindi umano maaring gamitin bilang ebidensya sa anumang administrative proceedings ang mga newspaper reports.

Ginawa ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang pahayag matapos na gamitin ni Edwin Cordevilla ng Filipino League of Advocates for Good Government (FLAGG) ang ilang newspaper column sa impeachment complaint nito kontra Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon kay Rodriguez, na dati ring law dean, kailangan na magkaroon ng “clear” at “direct” na testimonya bukod pa sa testimonial at documentary evidence dahil hindi uubra sa anumang administrative proceedings kung mga newspaper reports lamang ang pinanghahawakan ng complainant.

Iginiit ng kongresista na kailangan ng substantial evidence para tumayo ang reklamo at hindi maibasura lamang.

Sa kanyang impeachment complaint, kinuwestiyon ni Cordevilla ang integridad ni Leonen dahil sa hindi nito paghahain ng kanyang statements of assets, liabilities, and net worth (SALNs) sa loob ng 15 taon base sa isang newspaper column.