ROXAS CITY – Arestado ang 36 taong gulang na newly identified drug personality habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito sa drug buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Drug Enforcement Agency Capiz sa Barangay Lawaan, Roxas City.

Kinilala ang arestado na si Anthony Victoriano ng Barangay Lawaan, Roxas City.

Narekober sa posisyon ni Victoriano ang apat na sachets ng pinaniniwalaang shabu, P2,000 na marked money, drug pharaphernalia at isang motorsiklo.

Ayon kay Police Lt. Col. Jullius Balano, pinuno ng PDEU, matagal na nilang minamanmanan ang suspek bago pa isinagawa ang operasyon.

Samantala, pinabulaanan naman ng suspek na siya ang nagmamay ari ng iligal na droga na narekober ng mga pulis.