Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Magbibigay ng pabuya si Gingoog City Mayor Erick Cañosa at Vice Mayor Peter Unabia sa makakapagturo sa suspek na dumukot uamno sa bagong silang na sanggol sa Puericulture Center, Barangay 16, Gingoog City.

Kaugnay nito, ikinalat na ang cartographic sketch ng suspek na nakasuot ng face mask, black jacket, brown short pants at tinatayang 5’5 ang tangkad.

Una nang lumabas ang report na nangyari ang pagkidnap nang iluwal ng isang Marichu Tolorio Villegas ang kanyang anak nitong Agosto 30.

Nagbigay na ng deriktiba si Cañosa sa Philippine National Police na mas paigtingin ang search and rescue sa nawawalang sanggol.

Umapela rin ang opisyal sa mga taong makakakita sa suspek na agad makigpa-ugnayan sa kanilang tanggapan.