-- Advertisements --
Bumaba na sa kaniyang pwesto si David Clark bilang health minister ng New Zealand makaraang maharap ito sa kabi-kabilang paglabag sa mga umiiral na health protocols ng bansa kontra COVID-19.
Ikinagalit ng publiko ang ginawang paninisi ni Clark sa kaniyang opisyal dahil sa kaniyang sariling kasalanan.
“But it has become increasingly clear to me that my continuation in the role is distracting from the government’s overall response to COVID-19,” wika ni Clark.
Gusto raw ni Clark na manatili sa parlyamento bilang isang mambabatas.
Umani ng kabi-kabilang papuri ang naging hakbang ng New Zealand upang pigilan ang ang community transmission ng coronavirus disease.