-- Advertisements --

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na siyang nasa likod ng pamamaril ng 10 tao sa subway station sa Brooklyn New York.

Naaresto si Frank James matapos ang ilang araw na pagtatago ng pagbabarilin ang mga biktima at nagtapon pa ng smoke grenade.

Ayon kay Breon Peace, US Attorney for Eastern District ng New York na ilan sa mga kasong kakaharapin ni James ay ang violent attacks against mass transportation system, paglabag sa pagbabawal sa mga terrorist at ibang marahas na gawain.

Dahil aniya sa kaso ay posibleng maharap ito sa pagkakakulong na habambuhay.