-- Advertisements --

Pormal nang ianunsiyo ngayon ng New York City ang pagtanggal sa pagbabawal sa mga players na hindi bakunado laban sa COVOD-19.

Ginawa ni Mayor Eric Adams ang anunsiyo sa gitna na rin ng unti-uniting pagbaba ng kaso ng mga dinadapuan ng virus.

Sa kabila nito, hinikayat pa rin ng mayor ng siyudad ang pinaka-high profile na kaso ng Brooklyn Nets superstar at point guard na si Kyrie Irving na magpabakuna na.

Gayunman, nanindigan si Irving na hindi raw nagbabago ang kanyang paninindigan at paniniwala.

Samantala ang pagluluwag sa restrictions sa vaccine mandate ay hudyat din na makakalaro na ang mga performers at players sa mga home games liban pa sa Brooklyn Nets kung saan maari na rin ang mga players na hindi bakunado mula sa mga team na New York Knicks, New York Yankees at New York Mets.