-- Advertisements --

Nanguna ang New York at Singapore sa listahan ng pinakamahal na lungsod sa buong mundo ngayong taon.

Ayon sa Economist Intelligence Unit (EIU) survey na ito ang unang pagkakataon na nanguna ang New York sa ranking.

Noong nakaraang taon kasi ay nauna ang Tel Aviv sa Israel na ngayon ay nasa pangatlong puwesto na.

Itinuturong dahilan kaya nanguna ang New York sa listah ay dahil sa mataas na inflation sa US.

Sa Kabuuan ay ang average ng cost of living sa pinakamaling lungsod sa buong mundo ay 8.1 percent ngayong taon.

Mataas din ang inflation sa Istanbul ng 86%, Buenos Aires na umabot ng 64 percent at Tehran na nasa 57%. Nakasama rin sa top 10 ang Los Angeles at San Francisco.

Ang malakas na dolyar ay siyang naging susi kaya nangingibabaw ang mga lungsod sa US sa listahan.