-- Advertisements --
Inaaayos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paglipat ng New Bilibid Prison (NBP) mula Muntinlupa City patungong Occidental Mindoro.
Sinabi ni Remulla na binisita niya ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, na kayang tumanggap ng humigit-kumulang 10,000 maximum security prisoners na kasalukuyang nasa NBP.
Bagama’t nilalayon niyang ayusin ang paglipat ng NBP sa kanyang unang 100 araw sa panunungkulan, inamin niya na matagal pa ito dahil nangangailangan ito ng budget.
Samantala, sinabi ng Justice chief na gusto rin niya ng mas mataas na conviction rate para sa mga prosecutors.