-- Advertisements --

crame

Kapwa ipinagmalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pag neutralized sa nasa 5,164 NPA members at supporters ngayong taon dahil sa pinalakas na anti-insurgency campaign ng dalawang security sector.

Dahil dito patuloy ang nararanasang tactical losses ng komunistang rebede.

Sa nasabing bilang kabilang dito ang nasa 169 communist terrorists na nasawi sa ikinasang focused military operations at 4,777 na mga dating miyembro ng NPA ang sumuko sa pamahalaan.

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang kanilang tagumpay sa kampanya laban sa insurgency ay dahil sa malakas na partnership sa PNP.

Sinabi ni Gapay katuwang nila ang PNP para mapalakas pa ang kampanya laban sa CPP-NPA.

Nuong nakaraang Huwebes, nagpulong ang AFP at PNP sa pamamagitan ng National Joint Peace and Security Coordinating Center meeting na ginanap sa Camp Crame.

Layon ng JPSCC meeting ay para siguraduhing na naka syncronize ang PNP at AFP sa kanilang kampanya laban sa insurgency.

Kabilang sa mga ikinasang joint operations ng AFP at PNP na nag resulta sa pag neutralized sa ilang mga notorious communist leaders sa buong bansa kabilang ang isang Mitchel Fat sa Negros Occidental na napatay matapos manlaban sa mga tropa ng pamahalaan na magsisilbi sana ng warrant of arrest.

Si Mitchel Fat ay tinukoy na mastermind sa pagpatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental nuong July 2019.

Naaresto din ng AFP at PNP ang Finance staff ng Communist Terrorist sa isang checkpoint sa Northeastern Mindanao, nakuha sa kaniyang posisyon ang isang IED at ilang IED paraphernalia.

Nahuli din ang isang top rankong NPA leader na nag operate sa Abra na nakilalang si Joel Sibalo Banganan at ilang mga kasamahan nito sa Ilocos Sur.

Napatay din sa operasyon ng AFP-PNP ang NPA leader na si Mario Caraig na nag-ooperate sa Laguna.

Kinumpirma nina AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Cascolan na nasa walong guerilla fronts ang kanilang nabuwag.