-- Advertisements --

Inanunsyo ng isang opisyal ng Mislatel Consortium na sa Hulyo ay posibleng magsimula na ang kanilang operasyon sa bansa.

Ayon kay Ignacia Braga, vice president for finance ng Chelsea Logistics, lumagda na sa Share-Purchase Agreement ang kanilang kompanya kasama ang Udenna Corporation at China Telecom.

Kabilang sa mga pumirima sa naturang kasunduan sina Chelsea president Chryss Alfonsus Damuy; China Telecom deputy managing director Xiao Wei; at Udenna chairman Dennis Uy na dating opisyal ng pangulo.

Sa ngayon target daw ng Mislatel na makuha ang Certificate of Public Convenience and Necessity bago mag-Hulyo para makapag-simula ang kanilang network rollout.

“We’re really hoping to get everything fixed by July. The signing of the agreements is a vivid manifestation of the fulfillment of our goal to provide Filipinos with faster and reliable internet connection. We are grateful for the support and cooperation shown by the approving bodies.”