Malaking impact daw sa kinikita ni NBA superstar Kyrie Irving ang mawawala kung magmamatigas pa rin siyang hindi magpapabakuna laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na magkasundo ang NBA at players association na kaltasan ang tinatanggap na sweldo ng isang player tuwing hindi ito makakalaro dahil sa local policy sa ilang mga estado.
partikular umanong mawawalan ng milyones na dolyar ang isa sa big three at superstar ng Brooklyn Nets na si Kyrie Irving.
Ilang mga estado kasi ang may mahigpit na ordinansa tulad ng New York at San Francisco ang nagpapatupad ng polisiya sa mga hindi bakunado.
Sinasabing kung sakaling hindi makakadalo sa mga home games si Irving mawawalan siya ng halos katumbas na P19,000 kada laro.
Lalo pa umanong aabot ito sa halagang $15 million kung hindi pa siya magpapabakuna ngayong season.
Sa Oktubre 19 na ang muling pagbubukas ng bagong season ng NBA.