Kumamada si D’Angelo Russell ng 26 points, nagdagdag ng 23 si Caris LeVert at iginupo ng Brooklyn Nets ang Philadelphia 76ers sa score na 111-102 sa Game 1 ng Eastern Conference First Round playoff series.

Nag-ambag si Spencer Dinwiddie ng 18 at nakapagtala ng 12 points at 16 rebounds si Ed Davis para sa sixth-seeded Nets, na sumalang sa kanilang first playoff game sa nakalipas na apat na taon makaraang nagtapos sa regular season sa 42-40 standining.

Nanguna si Jimmy Butler para sa third-seeded Sixers sa naitala niyang career-high 36-point performance sa playoffs.

Samantala, si Joel Embiid na pinagdududahang makapaglaro dahil sa namamaga niyang tuhod ay pinayagan na pumasok sa court at nagtapos pang may bitbit na 22 points at 15 rebounds.