-- Advertisements --
Tinanggihan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang panawagan ng maraming mga bansa na magkaroon ng ceasefire sa paglusob nila sa Gaza.
Sinabi nito na gaya ng US noong maganap ang pagbomba sa Pearl Harboar noong 1941 at ang 2001 September 11, terror attack na hindi tumigil hanggang hindi mapanagot ang gumawa sa Oktuber 7 na pag-atake ng mga Hamas militants.
Paglilinaw na ang anumang panawagan na ceasefire o ang pagsuko ng Israel sa Hamas at mga terorismo ay hindi kailanman mangyayari.
Desidido na dapat ay tuluyang matalo ang mga Hamas militants.
Una ng pinaigting ng Israel ang atake sa Gaza kung saan naghulog ang mga ito ng leaflets sa Gaza na humihiling sa mga sibilyan na lumikas.
















