-- Advertisements --
Tinanggihan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kondisyon ng Hamas militants na tapusin na ang giyera kapalit ang pagpapalaya ng kanilang bihag.
Sinabi nito na hindi niya sasayangin ang kaniyang pinaghirapan para tuluyang labanan ang Hamas.
Giit nito na kapag pumayag sila sa nasabing hirit ng mga Hamas ay nangangahulugan na tila sumusuko na sila sa laban.
Hindi rin aniya matatawaran ang ibinuwis na buhay ng kanilang mga sundalo sa kasagsagan ng laban.
Hindi rin aniya matitiyak ang seguridad ng kanilang mamamayan kapag pumayag sila sa hirit ng mga Hamas.










