-- Advertisements --
Nanindigan si Israeli President Benjamin Netanyahu, na walang makakapagpigil sa kanilang pakikipaglaban sa mga Hamas na nasa Gaza.
Ang nasabing pahayag nito ay kasunod ng ika-100 araw na labanan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Iginiit nito na hindi ito tatalima sa anumang utos ng International Criminal Court matapos na kasuhan sila ng genocide ng South Africa.
Iminungkahi din nito na dapat ang border ng Egypt at Gaza ay isarado para mabigyan sila ng pagkakataon na makontrol ang mga pinagtataguan ng mga Hamas.
Magugunitang mula ng magsimula ang labanan ng Hamas at Israel ay ilang libong katao na ang nasawi at marami na rin ang nawalan ng tirahan.