-- Advertisements --

Patuloy ang pagmamatigas ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang papasukin ang Rafah.

Ito ay kahit na maraming mga bansa ang pumipigil dahil sa pangamba sa buhay ng nasa 1.5 milyon na mga Palestino.

Sinabi ni Netanyahu na kanilang itutuloy ang plano at kaniyang pinayuhan ang mga mamamayan doon na lumikas para hindi madamay sa kaguluyan.

Una rito ay nakatakdang magpasa ng resolusyon ang mga lider ng European Union na pigilan ang ground operations ng Israel sa Rafah.

Ang Rafah kasi ay itinuturing na lugar kung saan tumakbo ang ilang milyong mga Palestino mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang military operations.

Iginiit din ng White House na hindi sinusuportahan ng US ang anumang pag-atake ng Israel sa Rafa hanggang walang malinaw na plano sa pagprotekta sa mahigit na isang milyong mga inilikas na mga Palestino.

Naniniwala naman ang Qatar na magtatagumpay na ang planong pagsulong ng usapin ng tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas.