-- Advertisements --
Muling iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na patuloy ang kanilang paglaban hanggang tuluyang masawata na ang lahat ng mga Hamas.
Sa inilabas nitong video statement na hindi titigil ang Israel hanggang makuha nila ang tagumpay.
Ang nasabing pahayag din ay isinagawa ni Netanyahu ilang oras bago ang pagbobotohan ng United Nations ukol sa resolution ng pagsulong ng ceasefire.
Nagpapatuloy ang kanilang ginagawang paglusob sa iba’t-ibang bahagi ng Gaza kung saan nakubkob na nila ang ilang mga kota ng Hamas.