-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni Israelie Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang kanilang military operation sa Rafah ay may dalawang layunin.

Sinabi nito na unang layunin ng pag-atake nila sa Rafah ay para tuluyang mawala ang mga Hamas at pangalawa ay para mapalaya ang mga bihag.

Pagpasok aniya ng mga Israel sa Rafa ay itinaas nila ang kaniyang watawat at tinanggal ang bandila ng mga Hamas.

Giit naman nito na ang pagtanggap ng ceasefire ng Hamas ay taliwas sa paniniwala ng Israel kaya hindi nito ipagsawalang bahala ang kaligtasan ng kaniyang mamamayan.

Muling nanawagan si United Nations Secretary General Antonio Guterres na huwag ng ituloy ng Israel ang atake sa Rafa dahil sa maraming mga sibilyan ang madadamay.

Umapela din ito sa mga bansa na kung maari ay gamitin ang kanilang impluwensiya na ilipat ng Israel ang atensiyon ito bukod sa Rafah.

Ang nasabing panawagan ay dahil sa pagsisimula ng Israel na pag-atake sa Rafah.